Pulong-Pulong (Community Information Drive) at pagkundena sa mga teroristang grupo sa Brgy Riray, Madalum, LDS.

Nagkaroon ng pulong-pulong at pagkundena sa mga teroristang grupo sa liblib na lugar ng brgy Riray, Madalum, Lanao del Sur, Pebrero 23, sa pamumuno ng 103rd Infantry (Haribon) Brigade kasama ang 12CMO (Kapatiran) Battalion, 51st Infantry (Fuerte-uno) Battalion at mga stakeholders mula sa JCI Iligan Dayang Dayang at JCI Kulintang.

Dito ay nagkaroon ng maikling programa na kung saan inilihad ni Major Miondas, CMO Officer ng 103rd Infantry Brigade, ang mga possibleng epekto ng mga teroristang grupo sa kanilang lugar. Bukod dito, nagkaroon din ng pagsasadula ng sining kalilintad mula sa Kapatiran Battalion patungkol sa epekto ng pagsapi sa mga ISIS at mga maling paniniwala nito.Namigay ng leaflets sa mga residente patungkol sa mga impormasyon sa mga teroristang grupo, at may psycho-social activities din para sa mga bata na may pamigay na pagkain mula sa CI Kulintang at JCI Dayang-Dayang.

Ang kasundaluhan ay hangad lamang ang pawang kapayapaan at kaunlaran sa ating bayan. Makipagtulungan lamang at magsumbong kung may mga kahinahinalang pangyayari sa inyong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *