Lokal na pamahalaan at Kasundaluhan nagsanib pwersa sa Araw ng mga Puso

Pulong-Pulong at pagkundena laban sa mga teroristang grupo isinagawa kasama ang mga kasundaluhan sa araw ng mga puso.

Sa mismong araw ng mga puso (February 14) ay nagkaroon ng pulong-pulong sa brgy tongan-tongan, Madalum, Lanao del Sur kasama ang kasundaluhan upang maiparating sa lokal na pamahalaan at mga sangay ng gobyerno ang mga kakulangan at kailangan ng mga residente sa nasabing barangay.

Bago magsimula ang programa ay nagkaroon ng pagsasadula ng Sining Kalilintad (Guerilla Theater) na ginanapan ng mga aktor at aktres mula sa Kapatiran Battalion.

“Lagi po nating isipin na ang development ay kasama po dito ang katiwasayan o ang kalilintad (peace). Pag wala po ang kalilintad (peace) ang development ay mahirap makarating sa ating lugar”, ani Lt. Colonel Taqueban, 12CMOBn Commander.

Sinunog ang mga bandila na sumisimbolo sa mga teroristang grupo upang kundenahin ang mga masasamang gawain ng mga itim na teroristang grupo na syang humahadlang sa kapayapaan at kaunlaran ng lugar.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng 103rd Infantry (Haribon) Brigade, 12CMO (Kapatiran) Battalion, 51st Infantry (Fuerte-uno) Battalion, JCI Iligan Dayang-Dayang, JCI Iligan Kulintang at Chairperson ng Brgy Tongan-tongan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *